Matalim na kidlat kang nahagip ng mata
Kumulog ang puso sa nasaksihang ganda
Ang simoy ng hangin ay biglang nag-iba
Ang buhay ko ay nagkaroon ng sigla
Ang nais ko lamang ay madaopang-palad
Ang binibini na aking hinahangad
Nang sa gayo'y ang pagpapangalongbaba
Ay mapalitan ng tuwa sa mukha
Nang madampian ang kamay na perlas
Ang kisig ko'y biglang nag-angas
Pariwari ko'y hindi sinasadya
Ang makilala ng isang mutya
Hanggang kelan mangangarap
Hanggang kelan malalasap
Ang pagnanais kong habag
Na mapasa-akin ka liyag.
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem
Hmm mas maganda siguro kung palitan ang kelan ng kailan. At hindi niyo ho kailangang ilagay ang buong address lol