Para Sa Namatay Kong Kaibigan Poem by Rey Benipayo

Para Sa Namatay Kong Kaibigan

Bakit ang aga mo naman akong iniwan?
Di ba sabi mo, sabay tayong tatanda?
Marami pa tayong mga pangarap
Na gusto nating maabot at matupad
Ang daya mo at iniwanan mo ako
Paano na yung mga bagay na gusto pa nating gawin?
Alam mo, ang sakit sakit sa totoo lang
Ang hirap nitong wala ka na
Mapapag-isa na ako, wala na akong kajaming
Wala na yung taong kasama ko
Sa lahat ng oras, bagyo man o tag-araw
Wala na yung taong nakakaintindi sa akin
Yung taong napapagsabihan ko
Ng lahat ng problema at sama ng loob
Hindi ko alam kung paano mabuhay
Ngayong wala ka na, ang sakit sakit talaga
Ang hirap pa namang makahanap ng tulad mo
Hindi ko alam kung kailan ako makaka-move on
Sa biglaan mong pagkawala, hindi ko alam!
Kung nasaan ka man ngayon, sana masaya ka na
Mamimis kita- - sobra!

Wednesday, November 21, 2018
Topic(s) of this poem: death,depression,friend,friends,loneliness,longing,best friend
COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Rey Benipayo

Rey Benipayo

Ligao City, Philippines
Close
Error Success