Pasakit Na Paulit-Ulit Poem by Phoenix1 Smith

Pasakit Na Paulit-Ulit

Hindi ko kailan man ito malilimutan
nung nagsusumamo na ako'y pansinin,
pagkat aking puso ay naguguluhan din
sa pangyayari na bakit bigla na lamang
at sa isang iglap, ikaw ay hindi na akin

paaano naganap ang ganitong kay sakit
diba tayo ang nagmamahalan sa isa't-isa
bakit sa aking gulat ikaw ay nagbago na
at iyong mga kilos ay kaagad na nag iba

ang mga tula mo lahat sa iba na inialay
daming naisulat pag ibig walang kapantay
samantalang ako, kay tagal na naghintay
limang taon sana ako din, walang humpay

nung panahon na ikaw ay umiibig sa kanya
ako ay walang sawa na sayo makipagusap
ngunit walang awa mo akong paulit tinaboy
galit mo sakin ay halintulad sa init na apoy

paano mo sasabihin sakin ngayon na ako'y
minahal mo din ng tunay, kung noong araw
ikaw ay nahuhumaling sa kanya ako'y parang
basura na kay baho na ayaw mong kausapin

ilang ulit mo akong pinatabuyan sa mga oras
na kailangan ko ang iyong pagtingin at awa
pero ang ginawa mo'y ako'y sinigaw-sigawan
kasi pala ikaw sa kanya sa mga oras na yoon
tuluyan ng nahumaling at buhos ang pagtingin

lahat na lamang tula at awit na iyong maisip
kagyat na ito ay sa kanya daliang ipahatid
walang nadamang hiya kahit kanino pa man
ipadama sa kanya puso mo'y sya ang laman

bakit kay lupit mo sa akin, mahal kitang tunay
di mo nadama alay saking pasakit at lumbay
hindi maalis tinik binaon mo sa aking dibdib
paano nakayang saktan mo ako ng paulit-ulit

Wednesday, April 5, 2017
Topic(s) of this poem: sad love
COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success