Pasyon Poem by Marites C. Cayetano

Pasyon

Sa kamatayan ng anak
mayroon bang nagbago?

Sa panimdim ng ina
mayroon bang nagbago?

Tao...
kailan ka matututo?
ilang kamatayan at paninimdim
ang nais mong masaksihan
upang tunay na pag-ibig sa kapwa
ay iyong ipamahagi.

Tao...
ano ang halaga ng pasyon?
kung pagkatapos nito
ay kasama ring matatapos
ang iyong pag-alaala
sa kamatayan ng anak
at panimdin ng ina.

Tao...
kailan ka matututo?
kailan mo ipamamahagi
ang tunay na pag-ibig
sa iyong kapwa?

COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success