Masked lady

Rookie (October 27,1956 / Manila, Philippines)

Pinoy - Ang Komyuter (Fun Poem) - Poem by Masked lady

Ikaw ba ay Komyuter sa Maynila?
Sumasakay sa FX o Van kaya?
OO man o hindi, tula ko’y basahin mo
Tiyak ikaw ay matatawa
Sa mga eksena, makakarelate ka.

May mga pasaherong disiplina ay wala
Pag-upo limot nilang sila ay may kasama
Meron namang natutulog ng walang ingat
Kundi man malakas maghilik, dilat o kaya nakanganga.

Meron namang ubo ng ubo o kaya ay hihikab
Bibig di man lang maalalang takpan
Kaya’t bad breath, laway, at sakit nila
Ikinakalat sa sasakyan nasasalo ng kapwa.

Meron namang telepono pag nagring ay ubod lakas
Boses ganon din kapag sa phone ay may kausap
Isama ang lahat ng ito sa mainit na sasakyan,
Tiyak mainit na ulo mo bago ka pa makababa.




Masked Lady
12.19.09


Comments about Pinoy - Ang Komyuter (Fun Poem) by Masked lady

There is no comment submitted by members..



Read this poem in other languages

This poem has not been translated into any other language yet.

I would like to translate this poem »

word flags

What do you think this poem is about?



Poem Submitted: Monday, December 21, 2009

Poem Edited: Saturday, February 20, 2010


[Report Error]