Masked lady

Rookie (October 27,1956 / Manila, Philippines)

Pinoy - Ako, Ako Na Lang Parati (A Fun Poem) - Poem by Masked lady

Ewan ko kung dika matatawa,
Pag sa iyo’y aking ipaalala,
Paborito mong linya nag ikaw ay bata pa
Paborito rin halos ng ibang bata.

Tulad ng ibang bata,
Masunurin ka rin diba?
Magluto, maglinis, maglaba
Si nanay ay pwedeng sa iyo ipagawa,

Huwag lang maghugas ng plato tyak magrereklamo ka,
Sasabihin mo pa paborito mong linya,
Ako, ako, ako na lang parati,
Bakit di na lang si bunso o kaya si ate?

Tyak dka makakalusot dahil
Si nanay pa rin ang siyang masusunod.
Maghuhugas ka rin ng plato,
tiyak may kasama pang dabog.

Oh, diba ito ang paborito mong linya?
Ako, ako, ako na lang parati diba?
Kung hindi, malamang tamad ka,
Spoiled, o rich kid kaya.


Masked Lady
Dec.22,2009


Comments about Pinoy - Ako, Ako Na Lang Parati (A Fun Poem) by Masked lady

  • Meggie Gultiano (12/25/2009 12:22:00 AM)


    Maayong pasko......you give that task to me.. (Report) Reply

    0 person liked.
    0 person did not like.
  • (12/24/2009 9:29:00 PM)


    okay...good job! ........Maligayang Pasko! (Report) Reply

  • Prince Obed de la Cruz (12/24/2009 9:13:00 PM)


    hahaha... oo nga it is a fun poem... maligayang pasko po sa inyo! (Report) Reply

Read all 3 comments »



Read this poem in other languages

This poem has not been translated into any other language yet.

I would like to translate this poem »

word flags

What do you think this poem is about?



Poem Submitted: Thursday, December 24, 2009

Poem Edited: Saturday, February 20, 2010


[Report Error]