Masked lady

Rookie (October 27,1956 / Manila, Philippines)

Pinoy - Panalo - Poem by Masked lady

Ganito talaga ang buhay,
Pakikibaka ay walang humpay;
Buti na lang ika’y may kapiling,
Kaagapay sa bawat pagdaing.

Kaya’t Luha mo’y pahirin
At isiping mabuti ang dapat gawin;
Huwag mo ring limuting
Umusal ng taimtim na panalangin.

Sa pagkalugmok ika’y tumayo na,
Tama na ang walang katuturang pagluha;
Isiping may umaga pang sa iyo’y naghihintay,
Namnamin mo ang ganda ng buhay.

Lagi mo ring alalahanin,
At laging lilingunin;
Mga aral na iyong natutunan,
Sa pakikibakang iyong napagdaanan.

Humayo kang may ngiti sa labi,
Sapagkat ika’y di nagapi;
Ang Dios sa itaas ang saksi,
At laging mong kakampi.


Masked Lady
May 13,2009


Comments about Pinoy - Panalo by Masked lady

There is no comment submitted by members..



Read this poem in other languages

This poem has not been translated into any other language yet.

I would like to translate this poem »

word flags

What do you think this poem is about?



Poem Submitted: Monday, December 14, 2009

Poem Edited: Saturday, February 20, 2010


[Report Error]