Masked lady

Rookie (October 27,1956 / Manila, Philippines)

Pinoy - Silang Mga May Big C Sa Pcmc (Phil Children’s Medical Center) - Poem by Masked lady

Ano bang nangyayari sayo, puro ka reklamo,
Tila buhay mo’y walang nakakatuwa;
Parating binibilang kung anong wala,
Nakatingin sa biyaya ng iba.

Bakit ang mga batang may big C sa PCMC?
Nakukuhang sumaya, nagagawang ngumiti,
Di na maganda ang kalusugan, sa pera salat pa,
Sa charity at awa, lagi silang umaasa.

Ang ilan ang buhay ay may taning, reklamo sila’y wala
Kundi taimtim na panalangin at walang kamatayang pag-asa
Ikaw, ako, malakas, malusog, at may trabaho
Bakit ba tayo puro reklamo kung ano ang wala tayo?

Ang mga batang may big C sa PCMC,
Sana magaya natin ang kanilang pagngiti
Matutunan ang tunay na pag-asa
At bilangin ang ating mga biyaya.


Masked lady
Dec.21,2009


Comments about Pinoy - Silang Mga May Big C Sa Pcmc (Phil Children’s Medical Center) by Masked lady

There is no comment submitted by members..



Read this poem in other languages

This poem has not been translated into any other language yet.

I would like to translate this poem »

word flags

What do you think this poem is about?



Poem Submitted: Monday, December 21, 2009

Poem Edited: Saturday, February 20, 2010


[Report Error]