Sa tuwing hinahawakan kita
Katawan mo'y wari'y isang alila
Sumusunod sa bawat paggalaw ng aking kamay
hanggang minsan abutan tayo ng bukang liwayway
mahigpit kong pinipisil ang beywang mo
at ikaw ay bumibigay sa bawat ko pagsamo
at ang luha mong laging nakatago
inilalabas mo agad sa pakiusap ko
ang bawat paglakbay mo sa malapad na daanan
bagong kwento ang nabubuo nanaman
ang nakalipas na sandali ay naiguguhit mo
at ang hinaharap sa ngayo'y binibuksan ng pagbabago
[naga27sep2011]
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem