Ibig ko nang makawala
sa mahigpit na tanikala
mga masasakit na alala
na sinira mo aking tiwala
ngayon ako'y nababahala
ano na naman iyong dala
matatamis ulit na balarila
hinango para sayong tula
handog sa kanyang alala
ginawa mo na syang tala
na iyong parati tinitingala
hindi ako makapaniwala
ako ay winalang-bahala
parang ako'y isang bula
na bigla mo lang winala
paano nagawa ang sala
ako'y pang gulo lang tila
sana kaawaan ni bathala
puso ko dugo ang niluha
sya na sakin ang bahala..
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem