Sa aking panaginip
di magulo iyong isip
tanging ako lamang
laman ng iyong puso
tuwing ika'y maiidlip
sa aking panaginip
ako lang iyong mahal
hindi ka naaakit sa
mga ibang maririkit
sa aking panaginip
ako'y puno ng ligaya
pagkat ako lamang
ang iyong sinisinta..
sa aking panaginip
ako lang ang laman
ng iyong puso at isip
sa aking panaginip...
tuwing ako'y maiidlip..
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem