'Nang mamahinga ang araw
sa dulong kanluran
dala nya'y isang kasiyahan
sa puso at isipan
pagkat aking nakasama
ang maganda kong katipan
ng kami ay mamasyal
at mahiga sa damuhan
kami ay nagkwentuhan
ng maraming bagay
habang tinatanaw
ang ulap sa kalangitan
at aking nakikita
mga mata niyang kay sigla
na sadyang umaayon
sa mukha niyang maganda
ang ngiti na kay tamis
ay sadyang walang kaparis
na nakakaalis ng lumbay
sa mundong makulay
pati mga bulaklak sa hardin
gaya ng rosas at hasmin
ay nagbibigay ningning
sa kanyang mga lambing
ang mga dahong nalaglag
sa mga punong nakalatag
ay parang tahimik na liriko
na sumasabay sa tibok ng puso
at dahil sa ganda ng awitin
ng mga ibon sa papawirin
na naging isang musika
ay kanilang pinag isa
ang puso naming dalawa.'
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem