Marites C. Cayetano

Veteran Poet - 1,940 Points (Philippines)

Sa Duyan Ng Mga Ulap - Poem by Marites C. Cayetano

Halika na
sa duyan ng mga ulap
duo'y paghimlayin
hapo mong katawan.

Halika na
sa duyan ng mga ulap
duo'y pagmasdan
mundong nagsayawan
sa mahaharot na tugtugin.

Halika na
sa duyan ng mga ulap
duo'y pakinggan
mundong nag-awitan
ng mga awit ng dusa.


Halika na
sa duyan ng mga ulap
duo'y pagmasdan
mundong maligayang nakipaglaro
sa mga alon at mga isda
sa mga bulaklak at mga ibon
sa haplos ng hanging banayad.

Halika na
sa duyan ng mga ulap
duo'y pagmasdan
mundong nahimbing
sa liwanag ng mga bituin
at buwan.

Halika na
sa duyan ng mga ulap
habang kaputian nito
ay nananatili pang busilak.


Comments about Sa Duyan Ng Mga Ulap by Marites C. Cayetano

There is no comment submitted by members..



Read this poem in other languages

This poem has not been translated into any other language yet.

I would like to translate this poem »

word flags

What do you think this poem is about?



Poem Submitted: Monday, August 20, 2012

Poem Edited: Monday, August 20, 2012


[Report Error]