* Sa Iyong Puso Ako Ang Laman Poem by Inner Whispers

* Sa Iyong Puso Ako Ang Laman

Rating: 5.0

Ang iyong mga tula na aking minahal
Ay akda ng pinagpalang kamay ng maykapal
Huwag mong sabihin ako ay 'SIRA'
Sa aking nasambit at namutawing kataga.

Ikaw ang may-ari ng aking memorya
Ikaw ang laman nitong labis na pag-kaulila
Sa iyong masidhing yakap at maiinit na halik
Sa mga araw na magdaraan ako ay masasabik.

Sa telepono dinaan ang palitan ng istorya
Ilang oras na sandali nagbigay ligaya
Pareho tayong nagtanong sa isat-isa
Pag-ibig na nararamdaman, TOTOO BA TALAGA?

Ng sinabi kong 'MAHAL KITA' higit pa sa buhay ko't planeta
Sa masidhi mong ginaw at katal
Pakiramdam ko ay init parang natutunaw na bakal.
Ikaw ba ay nalulunod sa ilog ng PAG-IBIG NA UMAAPAW?

O maaring nangungulila sa totoong pag-ibig ay uhaw
Sa matindi mong desisyon ayaw kong saklawan
Ako ay mananatili, maghihintay sa dalampasigan.

Sa totoong pag-ibig sa mga labi kong namutawi at nasambit
Naramdaman mo ba sa puso at sikmura ay namilipit
Bakit mo kailangan tanungin ang sarili sa iyong naramdaman
(WHY I FEEL THIS WAY?)
Kung di mo ko maalis sa iyong diwa't SA IYONG PUSO AKO ANG LAMAN.

(Handog ng isang MAKATA...Nilulunod ang puso ko sa kanyang mga salita...Mananatili ba'ng hanggang sa salita o hahanap ng daan upang maramdaman ang ligaya? Jay, salamat...)

COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success