(10.16.09 2325H)
Isang araw, ako’y minalas nang husto
Nakagawa ng bagay na di naman wasto.
Sa ganoong pagkakataon, ‘pag walang mapuntahan,
Ang kapilya na lamang ang hahantungan.
Pagluhod ko’y agad nilabas ang lahat
At hiniling na sana’y gumaling ang mga sugat.
Paglingon ko, tila ako’y nasilaw
Nang makita ang di inaasahan: ikaw.
Sumunod na araw, ika’y aking namasdan.
Tila bang marami kang problemang pinapasan.
Gusto kong lumapit at magtanong
Kung mayroon ba akong maitutulong.
Di na lang ako umimik,
Kahit na gusto kong subukang di manahimik.
Hinihiling ko na lamang sa Diyos
Na ang mga problema mo’y maayos.
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem