Marites C. Cayetano

Veteran Poet - 1,774 Points (Philippines)

Sa Mundo - Poem by Marites C. Cayetano

Tama ka
maraming pangit na bagay sa mundo.

Naririyan
ang digmaan
ang sakit at kahirapan
ang panlalait at panlilinlang ng kapwa
ang mga krimen at mga kalamidad.

Mga bagay na kadalasan
ay kayhirap unawain at tanggapin...
mga bagay na kadalasan
ay nagbibigay ng katanungan
bakit nga ba nagaganap?

Subalit sa mundo
mayroon din namang magagandang bagay
na sa aking paniniwala
ay higit pa sa sapat
upang ating ipagpatuloy
ang buhay.

Naririyan
ang pamilya at mga kaibigan
ang pag-ibig at mga pangarap
at higit sa lahat, naririyan
...ang pag-ibig ng Diyos.


Comments about Sa Mundo by Marites C. Cayetano

  • (8/31/2012 9:47:00 PM)


    You are right despite of bad flipside of the world there much good things we can appreciate aside from those. A well expressed thoughts and an inspirational poem. (Report) Reply

    0 person liked.
    0 person did not like.
Read all 1 comments »



Read this poem in other languages

This poem has not been translated into any other language yet.

I would like to translate this poem »

word flags

What do you think this poem is about?



Poem Submitted: Thursday, August 30, 2012

Poem Edited: Thursday, August 30, 2012


[Report Error]