Sana Poem by Minerva Agriam

Sana

Maawa ka naman sana,
Sa puso kong nagdurosa,
Damdamin di makahinga.
Litong-lito sa nadarama,

Ika'y di pangkariniwan,
Ang iyong buhay at pagkatao,
Ibang-iba sa lahat dito.
Di tanggap ng mundo ko.

Takot at pagtataka,
Ang aking nadarama,
Nuong unang nakita ka.
Lahat alam at iyong nakikilala.

Ngayun bakit nagkaganito ako?
Di na baling maglaho,
Buhay na nakasanayan ko,
Wag lang ang pagkatao mo!

Maawa ka naman sana,
Sa isipan kong nagdurusa,
Dapat bang isipin kita,
Ano ka ba talaga?


(4/16/03. 10: 55 p.m)

Wednesday, December 7, 2016
Topic(s) of this poem: memory
COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Minerva Agriam

Minerva Agriam

Dumingag, Zamboanga del Sur
Close
Error Success