lumipas na ang ilang sikat ng araw
umulan na ng malakas
nahinog ang luhang hilaw
pait ang natikman sa bungang pinitas
niluwa ng aking lalamunan
ang tubig na akala ko'y gagamot sa pagkauhaw
ngunit tanging kawalan ang nakamtan
nang di na sumikat ang lumubog na araw
hangad ko na ngang makaalpas sa pagkakahulog
matigil na ang panaghoy at pagkatakot
mithiing maging bula ang tanawing iniirog
paghihinagpis ng kalooban ay mabaon sa limot.
[9sept2011nagamadero]
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem