! ! Silaw Sa Ginaw Poem by Inner Whispers

! ! Silaw Sa Ginaw

Rating: 2.5


Sa pagbukas ng bintanang salamin, ika'y nasilayan
Ngiti ay bumakas sa labi sa anyo ng namataan,
Nabighani sa taglay mo'ng kagandahan
Oh, tila ipininta, perpekto sa taglay na kapangyarihan!

Hatid mo ay SILAW sa mata ng ninuman
Tila walang hanggang pag-asa ang dulot ng kasikatan,
Ika'y Itinangi, pilit kumapit, upang mapalapit ika'y inakit
SILAW ay tumambad at binigyang liwanag ang madilim na langit!

Sa maraming araw na nagdaan, SILAW mo ay namayagpag
Tila walang kupas ang kulay mo at kagitingan ay hindi matinag,
Ang dilim ay pilit lumulukob na sa iyo'y gusto'ng tumibag
Unti-unti, magiting na SILAW mo ay nawawalan na ng tatag!

Ngayo'y GINAW ang hatid ng SILAW mo, bakit ganito?
Nangungulila'ng alab ng puso, wala nang sigla sa SILAW na taglay mo!
Matinding GINAW na ang sa aki'y dumapo
Pawiin mo, nagsusumamo ako, ibalik mo ang SILAW sa GINAW ng katauhan ko!

COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success