Inner Whispers

Rookie - 150 Points (May 25,2008 (d day this page was born) / Philippines)

! ! ! Singkwenta - Poem by Inner Whispers

Ang singkong barya daw, wala nang kwenta
Napupulot na lamang sa kalsada
Dangan naman kasi ay binutasan pa sa gitna
Hayun tuloy at ginawang pulseras ni Greca.

Singkwenta sentimos asan na nga ba?
Ni wala akong mahagilap sa coin purse ko, bakit kaya?
Sadya nga bang ang SINGKWENTA'y kinaligtaan na
At halos tingin dito'y sapat lang pambayad pantinga?

Paano na kaya kung edad mo'y pumalo na
Sa SINGKWENTA ika'y natapat na
Magtatalon ka ba sa tuwa o maglulupasay sa pag-aalala
Sapagka't abot-kamay mo na ang GOLDEN YEARS 'ika nga.

'Weh...di kaya! ' tyak sagot ni Danny bigla
Feeling 32 lang daw siya plus 18 taong eksperyensya
Kakayanin pa daw niyang tumakbo ng milya-milya
At magplanking sa lugar na matipuhan nya.

'Oh-ha, oh-ha! ' ang madalas na bulalas niya
Kapag ang 'kukulit' ng imahinasyon niya
Sabay ng karate teknik, nguso niya'y ngiwing intsik
Humanda ang siga sa pamatay niya'ng sundot-teknik!

Wika lagi ni Danny, 'Apay madim mamati? '
Kapag kilay ko'y umarko, tila walang bilib sa kanyang sinabi
Bakit nga ba hindi, mukha nya'y hayan at nakangirsi
Ngiti niya'y maasim, pilyong pilyo sa paningin!

Aha! Ang 'kukulit' mo, bulalas ko madalas
Sa hirit nyang may halakhak, ahhh...kawagas!
Sa kuwento nya tungkol sa bopol na pulis to the rescue
Na ang bulalas ay, 'Sumuko na kayo, madami ako! '

Nguni't...madalas ang SINGKWENTA ay mababakas sa kanya
Malambing na tao, madrama pala at mapagmahal sa iba
Ha-ha, hindi nga ba't tender and loving na talaga
Ang taong pinanday na ng panahon at eksperyensya

Ah, kahanga-hanga ka Danny, alam mo ba?
Sa puso ko, napalapit kang bigla
Bakit naman hindi, ako'y iyong pinili
Na maging kaibigan, kasama sa ligalig, saya at pag asa.

Maligayan SINGKWENTAng kaarawan sa iyo, kaibigang Danny
Nawa'y lakas mo ay manatili palagi
Biloy mo sa mukha huwag sana mapawi
Sapagkat iyan ang bukod-tanging panggayuma mo sa mga binibini.

Oh hah!


Poet's Notes about The Poem

Para kay kaibigang Danny sa kanyang 50th kaarawa. Maligayang bati!
Isa kang napakagandang tao.

Reuniting w/ you after 23 years as you mentioned in your speech during our Batch '89 reunion is God's plan. Thanks for being that friendly to me. You're such a sincere mentor and a great adviser to me. Nice working w/ you in our PreNup shoot! You're more than a poem!

Comments about ! ! ! Singkwenta by Inner Whispers

There is no comment submitted by members..



Read this poem in other languages

This poem has not been translated into any other language yet.

I would like to translate this poem »

word flags

What do you think this poem is about?



Poem Submitted: Friday, January 18, 2013

Poem Edited: Friday, January 18, 2013


[Report Error]