Sino Ang Dapat Kong Paniwalaan? Poem by Phoenix1 Smith

Sino Ang Dapat Kong Paniwalaan?

Sino ang dapat ko paniwalaan
ang babae na tinuring ako na
isang kaibigan, ako ay minahal
ngunit nagpasakit ng damdamin
ng isang gabi sya saki'y umamin

naging malapit, mabait sya sa akin
araw-araw nya ako palagi kausapin
ako ay sinabihan nya ng isang lihim
sabi nya ito'y para lamang sa amin

binunyag nya na sya ay muling
kinakausap ng dati nyang nobyo
kay ganda ng bawat salitang bigkas
lalaking mga winika sadyang tamis
pag ibig na alay sa puso, di naalis

kahit ilang dekada na ang dumaan
patuloy syang nasa dibdib at isipan
hanggang sa ngayo'y sya ay iniibig
ito ay nagpupumilit at di mapigilan

ang kwento sa akin ng babae ay
ayaw na nya sa lalaki at sinabihan
sya dapat lang ay isang kaibigan
ang babaeng ito ay walang alam
na lalaking iyon ay aking katipan

nang malaman ng aking nobyo
mga kwento na aking nalaman
ito'y kanyang tinanggi ng tuwiran
di nya daw ito magagawa sakin
ako lamang daw kanyang mahal

sino kaya sa kanilang dalawa
ang nagsasabi ng katotohanan
puso't ispan ko'y naguguluhan
sino sa kanilang dalawa ang
nararapat kong paniwalaan?

Monday, January 30, 2017
Topic(s) of this poem: love and life
COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success