Siya Pa Rin (Filipino/Tagalog) Poem by Phoenix1 Smith

Siya Pa Rin (Filipino/Tagalog)

Ilang beses mo ba kailangan
ako'y walang awa na saktan?
bakit, ako ba sa iyo ay laruan?
akala ko tapos na ang dinaanan
ngunit muli mo na namang
sa akin, sakit ay ipaparamdam
anong klaseng pag ibig meron ka
bakit ayaw mo pa sya tantanan?

wala kang karapatan umibig sa iba
kung pag ibig mo sa kanya
ay hindi mo pa maiiwanan...
sa matagal ng panahon na
sya ay iyong tunay na sinamba
bakit kailangan mo na ako'y
iyong paulit-ulit na lokohin pa...

huwag mo na akong papaniwalain
na ako nga ay mahal mo din
kung ang naririyan sa iyong puso
parati ay siya, at siya pa rin..

Saturday, April 8, 2017
Topic(s) of this poem: pain
COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success