Tagay
tagay
tagay lang
huwag mo lang kalimutan
ika'y mamulutan.
Hayan,
ang pusit
at karne ng baboy na inihaw
may toyo at kalamansing
sinamahan pa
ng siling labuyo
sige na,
mamulutan ka.
Tagay
tagay
tagay na
hayaan mo lang ang buwan
na magtago sa ulap
basta't tumagay
tagay
tagay ka lang.
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem