Tangina Poem by Abbie Barrios

Tangina

Sa bawat malutong na murang binibitawan mo
Di ko mapaliwanag ang kaba sa dibdib ko
Kasabay ng bawat puta, shit, at tangina
Ang pag-apaw ng damdaming kinikimkim sinta
Sa bawat hithit
Mga mata ko'y naaakit
Sa bawat buga ng usok
Ang puso ko'y parang tinutusok
Tinutusok ng panang mula kay kupido
Unti unting bumabaon upang ako'y tuluyang mahulog sayo.

COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success