Titser Poem by Lance Abellon

Titser

Nagsilbi kang pisara upang simulang matutunan
ang mga letra't pantig patungong pangarap

na dati-rati'y inililimbag sa papel,
at isinusulat ang mga berso ng paghangad na maabot ang mga bituin,

sa kamusmusan ay naging lapis upang madaling maidantay ang mga kamay
sa tamang pagsulat at pag-ukit
ng mga katagang bumubuo ng mga pandiwang hatid ng aking pag iral,

mga mahahalagang simuno at mga panaguri
na isinasalaysay upang maihatid ang kabuuan at kaganapan ng buhay,

sa patuloy kong pagbaybay ng mga baybaying babaybayin
ay patuloy kong binabasa ang mga parirala at mga nakatala sa kwaderno
na nilalaman ng mga takdang araling nakatakda sa pagharap sa hinaharap,

sa aking pagkamulat,
mula sa apat na sulok ng aking mundo.

*alay para sa Pandaigdigang Araw Ng Mga Guro

Abellon,2015.

Tuesday, January 5, 2016
Topic(s) of this poem: childhood ,teachers day
COMMENTS OF THE POEM
Manonton Dalan 11 January 2016

ayaw ko yong titser ko ibinubulsa yong MOE, pati yong para sa akin na bigay ng gobiyerno (P146/per student per month) ....hehhehehehe marami pa contribution sa bulsa lang nauuwi

0 0 Reply
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success