Ako'y isinilang ng dekada sesenta
na panahon sa'kin sadyang masaya
mga paligid noon ay kay gaganda
at lahat sa paningin ay tila masigla
Munting kabataan aking naalala
mga simpleng laro aming ginagawa
tumbang preso, taguan at ibang laro
bahay-bahayan, habulan at patintero
Nung mag aral ay naglalakad lamang
sa plaza ng iloilo malapit sa eskwela
hanggang lumipat pamilya sa maynila
at doon nagtapos hanggang magbinata
Ang pag-aaral naiba sa maynila
sa yosi, party at inuman walang sawa
kaya lagi absent sa aking eskwela
mga magulang sa'kin tunay na naawa
Dekada otsenta nang bumalik sa iloilo
at nagtrabaho bilang isang bumbero
kung saan-saan na assign at napunta
calinog, negros at guimaras na isla
Mga magulang ay sabay nawala
noong pumasok ang dekada noventa
kaya sa kahirapan ay nagpasya
na magpunta sa bansang saudi arabia
Sa tagal na pamalagi sa malayong bansa
ay doon nakilala ang naging asawa
isang nars sa ospital sa bansang arabia
at dalawang anak ang naging biyaya
Lubos na pasalamat at naabutan pa
mga laptop at gamit na teknolohiya
hindi gaya ng dati na sulat ang gawa
at voice tape para makausap pamilya
Sa ngaun medyo pagod at matanda na
dahilan para magpahinga na sana
kaya itong katha na maiiwan at nagawa
sa ibang panahon mababasa ng iba.'
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem