Hindi ako matalino o
dalubhasang tao.
Ngunit mga kamay koy
may runong sa kahit na ano.
Isa akong ina
pero kaya kong maging ama.
Isa akong babae
pero ang buhay koy
hindi dito nakadepende.
Akoy nakatalaga sa
Kahit na anong tema.
Wala man akong propesyon
Kaya kong tumulong
ng walang kondisyon.
Mayron man akong mga kasalanan
yun ay dahil isa lamang akong nilalang.
Nilalang ng diyos
At hindi ng datos.
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem