Rey Benipayo

Veteran Poet - 1,765 Points (September 20,1987 / Ligao City, Philippines)

Umulan Ng Alak Sa Tindahan Ni Aling Norma - Poem by Rey Benipayo

May isang pangyayari sa akin
Na hinding hindi ko makakalimutan
Na sadyang di sinasadya pero nangyari
Ito'y nang minsa'y isang maling akala
Na magugunaw na ang mundo.

Naipon ang magbabarkada sa tindahan ni Aling Norma
Na halos di na kami nagkikita kita sa sobrang busy
At may kanya kanya nang buhay

Nangyari ang di inaasahan, yung dating gawi
Kapag kami'y natatambay sa tindahan
Ay nagiinuman kami at nagkukuwentuhan
Di namin inaasahang magiging masaya.

Sa kakaantay naming magunaw na ang mundo
Ay umulan ng alak sa tindahan ni Aling Norma
Nagkuwentuhan kami, iyakan, tawanan
Beer, gin, brandy, soju, lambanog at madami pa.

Walang awat sa inuman dahil walwalan
Dahil naghihintay ng pagwawakas ng mundo
Umaga, tanghali, hapon at gabi
May sumuka, umihi at nagblock out
Pero walang nagsi-alisan, inom lang nang inom
Ilang araw kaming umasa sa maling akala
Di man lang nagunaw ang mundo.

Fake news lang pala yun at ang daming naniwala
Ang daming natakot pero kami, hindi!
Dahil namis namin ang isa't isa
Ngayon di na kami magkakahiwalay pa
Dito sa langit wala mang alak
Ay hangang magpakailanman kami magkakasama
Dahil nang umulan ng alak sa tindahan ni Aling Norma
Ay lahat kami nakainom ng alak na may lason pala.

Topic(s) of this poem: friends, friendship, funny, humor

Form: Narrative


Comments about Umulan Ng Alak Sa Tindahan Ni Aling Norma by Rey Benipayo

There is no comment submitted by members..



Read this poem in other languages

This poem has not been translated into any other language yet.

I would like to translate this poem »

word flags


Poem Submitted: Thursday, September 12, 2019



Famous Poems

  1. Still I Rise
    Maya Angelou
  2. The Road Not Taken
    Robert Frost
  3. If You Forget Me
    Pablo Neruda
  4. Dreams
    Langston Hughes
  5. Annabel Lee
    Edgar Allan Poe
  6. If
    Rudyard Kipling
  7. Stopping By Woods On A Snowy Evening
    Robert Frost
  8. Do Not Stand At My Grave And Weep
    Mary Elizabeth Frye
  9. I Do Not Love You Except Because I Love You
    Pablo Neruda
  10. Television
    Roald Dahl
[Report Error]