Maaaring nagwakas ang lahat ngunit ang alaala kailanman ay hindi mabubura panahon man ay lumipas. Pagmamahal na nadama at pinagsaluhan, ito'y tunay at wagas. Ngunit sadyang tadhana 'y mapaglaro, puso'y pinagtagpo sa panahon na kapwa buhay ay laan na sa iba. Pagsamo sana'y pakinggan, huwag magalit o magdamdam sapgkat kung sadyang pag-ibig ay wagas o tunay, katayuan ay mauunawaan. Masakit man sa kalooban paghihiwalay ay sumapit ng di alam, marahil ito ang gusto ng Maylalang pagkat alam niyang ito ang mainam. Sana'y batid kung gaano kamahal pagkat lahat iyan ay ipinaramdam 'wag sanang isiping pinaglaruan pagkat ang bagay na ito'y maselan at hindi pwedeng gawing biro lang. Kung landas man ay magkatagpo nais ng pusoy pag-ibig ay huwag maglaho. Sa bibig man ay di mamutawi pag-ibig na aba at sakdal api, damhin sa puso pagkat ito'y wagas at ito'y hindi hinabi. Kung di man masilayan, nais pa rin ipabatid at malaman na yaring pusong sugatan lagi handang magtiis magpakailanman. Ligaya ng dalawin araw-araw, minu-minuto ay buksan pahina niya na kapwang siya ang hantungan, upang dito idaan saloobin at nararamdaman. Tulad ng laging dasal sana'y di maging magkaaway manapa'y pagiging iisa'y wag maparam kahit walang mangyari na gaya na dapat asahan. Iibigin magpakailanman, iingatan at gagawing isang yaman ang pagmamahal na nararamdaman. Di pa rin mapaparam, 'Mahal na mahal kita' ito'y tatandaan.
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem