! ! ! Walang Hanggang Paalam Poem by Inner Whispers

! ! ! Walang Hanggang Paalam

'...tinatanong ang kagandahan ng mundo: bakit! ? ? akin ka pero hindi! nakakamatay ang kabalintunaan! '

tanaw ko
halakhak ng batang mundo
sa paligid ng lumang panahon.

pumasok ako...
pinakiramdaman ang lumang mundo
na unti-unting dinungisan-
mga banderang panira,
mga buhol-buhol na kable ng teknikalidad,
at ng makamundong pagnanais baguhin ito.

hindi ko maringgan ng batingaw
ngunit puso ko'y nag-uumapaw
dinig ang mumunting halakhak,
kutya ng maharot na sigaw
at kaluskos ng mga mumunting paa, pumapadyak
sa uhaw na lupa, paa'y hubad na nakaapak.

yumakap ako
pinakinggan ang hinaing ng puso
uhaw...
sumiksik ako...
ramdam ko ang kapanatagan,
tiwala sa kasalukuyan sinasandalan...
walang sumbat, walang mali
lahat pantay-pantay sa pag-ibig na masidhi!

ah...
ilang libong halakhak pa kaya
o ngiting mapagparaya
ang makikita sa mga labi at mata
ng mga mumunting anghel ng pag-asa?

napangiti ako sa anyong nakita
walang hanggang paalam
aking napagmasdan...

patuloy pa rin
ang walang hanggang paalam!

ang bawat simula
ay siya ring katapusan
may patutunguhan ba
ang ating pagsinta
sa biglang tingin
kita'y walang kinabukasan
subalit di-malupig ang pag-asa...

ah...walang hanggang paalam...
...tinatanong ang kagandahan ng mundo:
bakit! ? ?
akin ka pero hindi!
nakakamatay ang kabalintunaan!

POET'S NOTES ABOUT THE POEM
(inspired by: Walang Hanggang Paalam of Joey Ayala)
COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success