'Pag-ibig ng aking nakaraan
pwedeng ituring pang walang hanggan
pinagdasal pa na sakaling makamtan
bigay todo ang kaligayahan
kaya noong una kaming magkita
sadya talaga niyang napakaganda
lalo na ng magtagpo aming mga mata
may naramdaman kaagad sa isa't isa
at ng mangyari na at naging kami
pinatunayan talaga namin sa sarili
pag-ibig namin wagas walang tinitimpi
walang iniintindi at pagsisisi
saan ka man naroon ngayon
sa ibang lugar na at panahon
alam ko sa tulong ng ating panginoon
masaya ka na sa iyong situwasyon
kaya sa lalim ng ating pinagsamahan
isang tunay at magandang nakaraan
at kapwa hindi natin makakalimutan
ang pagmamahal natin magpakailanman.'
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem