You And Me Against The World Poem by Jessie Ilagan

You And Me Against The World

Tayo noon ay nagsumpaan
Anumang mangyari'y walang iwanan
Ngunit ngayon ay may alinlangan
Sa pag-ibig nating walang katiyakan

May pag-asa pa kayang naghihintay
Sa tulad nating 'di nababagay
Pag-ibig man natin ay tunay
Ito'y mawawalan pa rin ng saysay

Ngunit ano ang aking gagawin
Kung tayo'y kanilang paglayuin
Ikaw ba ang dapat kong piliin
Ako man ay kanilang kutyain

Kahit kaysakit ng katotohanan
Na 'di kita kayang ipaglaban
'Di pa rin magawang talikuran
Pagkat 'di nais na ikaw ay saktan

Naduduwag man itong damdamin ko
Patuloy pa rin na iibig sa'yo
Tama o mali man itong puso ko
Sinunod ko lamang ang dikta nito

January 25,2010
Riyadh, K.S.A.

COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Jessie Ilagan

Jessie Ilagan

Golden Gate General Hospital
Close
Error Success