Katulad mo ay isang Prinsesa
Pinalaki ng iyong Inang Reyna
Ang maibiga'y agad nakukuha
Ngunit bakit tila ka kulang sa sigla
Nasasabik ka ba sa iyong Amang Hari
Kausap, kakampi at kasama mo lagi
Kaya sa ibang bata ay nananaghili
Pagkat kalungkuta'y wala nang papawi
Matuling lumikwad ang mabilis na araw
Mga halakhak mo kaipala'y paimbabaw
Kalungkuta'y tinakpan ng masiglang galaw
Para maitagong may luhang mababaw
Nananaghoy man puso mo't damdamin
Sa Inang Reyna mo'y ayaw sabihin
Pagkat sa dibdib nya ito'y dadalhin
Sakit ng salita kanyang daramdamin
Ano nga ba ang lihim na nakatago
Sa iyong puso't buong pagkatao
Bakit may lumbay sa mga matang maamo
At kay tamlay ng bawat mong pagkibo?
November 14,2008
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem