TULAD LAMANG NG LIPUNANG HINABLOT NG ISNATSER
Ang mundo ng mga bagong sibol ay mahirap masawata,
Tulad ng hanging di mapigil.
Kayhirap itago ang gunita ng suyuan,
nakababagot isipin ang mga sandali ng pagpapaalam;
...
Nanlilimahid ang dati’y kislap
Na sumibol sa panglaw na buwan
At tagistis ng maningning na sikat
Ng araw, ngayo’y alipin ng kalupitan.
...
Hinahabol ko ang paghinga
habang binubura ng panulat
ang iyong hiwaga.
...