Ako'y Maghihintay Poem by Phoenix1 Smith

Ako'y Maghihintay

Iniibig kita ng buong puso at kaluluwa
makita ka lamang puso'y puno ng tuwa
ligayang binigay sakin ay di malimutan
akalang ako lamang ang iyong aawitan

bakit irog ko akoy iyong pinabayaan
ibang kariktan, himig iyong binalingan
itong puso ko ay basta na lang iniwan
di alintana kung ako man ay masaktan

agad kang tumatalima sa bawat hiling nya
iyong hangad ng paulit-ulit kanyang ligaya
habang ako'y sa gilid lamang na lumuluha
di mo pansin aking lihim na pagdurusa...

humayo ka mahal ko at sya'y isama
sa isang marikit na sulok ng mundo
pagsaluhan ang inyong nadarama
alam kong sa kanya ka lang liligaya

kaya ako'y handang magparaya
hangad ko ay laging ka masaya
batid na ako sayo'y di mahalaga
at kaylan man hindi na aasa pa..

ngunit kapag dumating ang araw
na pag irog sa kanya'y pumanglaw
sa bawat inog ng mundo at galaw
palaging sa isip at puso'y tandaan

nandito parin sa luma nating tipanan
ako ay magjhihintay sa iyong liham
na ako na muli ang iyong nasa isipan
muli mong iibigin na walang hanggan..

Thursday, December 22, 2016
Topic(s) of this poem: love
COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success