Ako'y Paniking Pilay Ang Pakpak Poem by Doris Cornago

Ako'y Paniking Pilay Ang Pakpak

Tumatakas sa kadiliman ng kalawakan
Ako'y pasuray-suray animo lasing
Sinubukan ko namang ayusin
Pang-araw-araw na gawain
Karaniwang paghahagis
Aking buhay wangis
Isang pendulum
Paroo't parito
Naaagnas
Mga
Multo
Mula sa
Kisame ng
Aking kwarto
Makitid na gilid
Patagilid, natatakot
Baka tayo'y madulas
Mabagal, humuhulas
Giniginaw tagos sa buto
Pag-ibig mo'y walang init
Nagyeyelo sa sobrang lamig
Sisinag pa ba ang umaga sa
Isang paniking pilay ang pakpak
Nakikinig sa iyong malambing na tinig
Isip ko'y humihingi ng aliw, tila mababaliw
Humahanap kahit anong gantimpala, umaasa
Gumuhit ang kidlat, kumulog na, juggernaut pala

Translated from the English poem "A Bat On A Broken Wing"

Ako'y Paniking Pilay Ang Pakpak
Saturday, June 9, 2018
Topic(s) of this poem: blind love,blindness,breaking up,broken friendship,flying,rejection
POET'S NOTES ABOUT THE POEM
A broken friendship is the saddest thing. What you used to savor loses its flavor when the person you previously do it with suddenly finds something more interesting to do, and you're left alone like a bat who can't maneuver in the dark, as the voice of the significant other sounds so distant.
COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success