Ala-Ala Ko, Apo... Poem by Jane Quijano

Ala-Ala Ko, Apo...

Matulog ka na apo ko
At babantayan ka ng Lola
Habang ang Tatay
Ay nasa pulong ng tropa.

Kalong ka ng Lola mo
Sapagka't wala rin ang Nanay mo-
Nagpunta sa malayong dako.

Tatahakin mo rin kaya
Ang buhay na laan sa ating bayan
Gamit pati angking talino at gawa?

Di na ba mapipigilan
Sa landas ng henerasyon mo
May unos na kaya ng pagbabago?


Matulog ka na apo ko!
Aawitan kita habang ako'y naririto
Tanging ala-ala ang iiwanan sa iyo.

COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success