Gerardo Duyan

Rookie (September 20,1958 / Gagalangin Tondo Manila)

Ang Aking Lola - Poem by Gerardo Duyan

Ang kanyang boses, minsan nakakatawa
Parang nasasamid, tubig aniya
Malaki ang panahong tinahak ng karanasan
Ang aking lola, Yolanda ang pangalan

Sa umaga tulog pa ang aking magulang
Siya na ang naglalampin, ng aking katawan
Kapag nakahiga sa dibdib niya
Ang butiki, madalalas na kinakanta

Mas Masaya kapag kasama si ate Ia
Tatawagin kami ni lola, tayo na
Ako ang unang lalabas,
Magtatakbuhan kami sa bakuran

Taran taran taran taran taran taran
Yun ang masayang awitan
Sa loob ng bakuran
Dama ko ang kagalakan

Io, kapag narinig ko ang aking pangalan
Ano po yon lola sigaw ko naman
Kumuha ka ng malunggay
Huwag yung magulang

Ang sarap balik balikan tinig ni Lola,
Walang kasingsaya na makasama
May dalang pasalubong umaga pa lang
Kapag namili kasama si didang

Ang saya ng aming tahanan,
Kapag si Lola ay nandiriyan
Maligaya ang buhay
at may kapayapaan


Comments about Ang Aking Lola by Gerardo Duyan

  • Dr.tony Brahmin (8/19/2010 7:23:00 AM)


    oh i do not understand it.
    can u not translate in english. wouldlike to read it.
    (Report) Reply

    0 person liked.
    0 person did not like.
Read all 1 comments »



Read this poem in other languages

This poem has not been translated into any other language yet.

I would like to translate this poem »

word flags

What do you think this poem is about?



Poem Submitted: Tuesday, August 17, 2010

Poem Edited: Tuesday, August 17, 2010


[Report Error]