Gerardo Duyan

Rookie (September 20,1958 / Gagalangin Tondo Manila)

Na Onse - Poem by Gerardo Duyan

Kapag salitang onse, parang lugi,
kulang ng isa para maging dose
Mainam naman kung hahatiin sa dalawa,
alisan ng isa sampu maging tig lilima

Hindi magandang pakinggan kung onse,
parang laro o sugal na may madadali.
Kaya nag isip ako bakit nga ba onse,
ito ba talaga ang kapalaran ng isang babae?

Si Dading ay na onse, sana ay naging dose
namatay ang isa kaya sa onse pumirmi.
Family planning kahit na epektib
naluma kay tatay Amado, malaki ang dibdib

Si Huseng langgam ang huli,
sabi pagka latak tiyak walang silbi
Hoy! Adamson iyan aming pinagmamalaki
katestista, matiyaga ang buhay ay mabuti

Si Juvy huwag mamatahin
ang ganda ay pang beauty queen
Pang sampu sa amin
ang ugali wala kang babaguhin

Kapag pag-uusapan ay maka nanay,
Si Yoly ang pang siyam mayumi, malumanay.
Anumang mangyari, hanap ay si nanay
Cavite at tundo para lang kapit bahay

Kapag may nanganak, o na barangay,
tiyak ang pang walo ang tangay tangay
Editha, bilin mo nga sa botika, punta ka ng hospital,
laging present, di babagal bagal.

Si Rene ay pang pito ay may wido,
Dahil magaling na karpintero.
Maliit man o malaking gusali,
tiyak mabilis na mayayari.

Ang pang-gitna ay kakaiba,
pang anim man at nasa gitna nila.
Sa bokasyon ay pumaling,
ang pag paglilingkod ang minagaling.

Ang hiyas at rosas ng mga duyan
katabi ni inay, umaraw ma't umulan
ang pang lima ay si Emma
ang pagmamahal sa ina ay madarama.

Galing at Talino wala akong masasabi
ang kapatid kong ito, ay cum laude
Pang apat ngunit, parang bata pa kung mamasdan
Pastor Arthur Duyan po ang kanyang Pangalan

Teka muna baka ako'y may nakalimutan
yun palang pangatlo ay si Boy Duyan
Magaling mangusap, pala kaibigan
lahat ng tao sa road siya ang sumbungan

Estetsayd na Filipina, talagang Englisera
Galing ba naman ng London aming pangalawa
Hiyas na mamahalin ang ganda,
matulungin mapagmahal sa mga anak at ina

Kung si Fernando poe ang naging idolo ko,
Si Ernesto na siyang pang una ay di patatalo.
Siya ang nagtaguyod sa amin ng kami'y maliliit
ginhawa ng buhay kanyang pinipilit

Onse nga kung tawagin,
mapalad naman ang magulang namin.
Pumanaw man si Ama, aming sinisikap
ang mag-kaisa kaming lahat.

Gaya ng abakada kung basahin
Ang isa hanggang labing isa kung bilangin
Ang onse ay naging blessing
Sa buhay namin si Lord ang purihin


Comments about Na Onse by Gerardo Duyan

There is no comment submitted by members..



Read this poem in other languages

This poem has not been translated into any other language yet.

I would like to translate this poem »

word flags

What do you think this poem is about?



Poem Submitted: Thursday, August 19, 2010

Poem Edited: Thursday, August 19, 2010


[Report Error]