Ang Pandemya Poem by Grace Svensson

Ang Pandemya

Mayroon daw sakit na kumakalat
Na daig pa ang ahas kung kumagat
Pagkalat nito ay di maluwat
Sadyang napakabilis pag iwas ay di sapat

Binago mo puso, isip at kaluluwa naming busilak
Kalayaan namin ay iyong winasak
Ikaw ang syang humahawak
Na daig pa ng isang napakaitim na uwak

Aming mga ngiti ay iyong kinuha
Aming malasakit sa kapwa nawala ring bigla
Kami ay iyong pilit binago
Na halos kami ay hindi magkandatuto

Araw at gabi ay di na alintana
Sa dami ng agam nawala pati tiwala
Ginulo aming tahanang munti
Bawat isa sa amin pakiramdam ay masahol pa sa sawi

Di makahinga at walang humpay na ubo
Pati depresyon aming sinalo
Pati kamatayan maaring manalo
Sa mga nangyayaring ito

O pandemya bakit ka nandito
Sino ba ang nagpadala sa iyo?
Sa aming tahimik na mundo
Na binigyan mo ng masamang pagbabago.



Copyright © Grace Svensson
May 10,2021

COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Grace Svensson

Grace Svensson

Philippines / Sweden
Close
Error Success