Grace Svensson

Grace Svensson Poems

Minsan ay nangyari yaong pagsibol
Sa pagbuka ng liwayway
Haring araw ay mistulang nangunguyakoy
Sa saliw ng musika ng pagsalubong
...

Mundo ay tumigil ng ika'y namasdan,
Di ko mapakiwari aking naramdaman,
Ito ba ay katotohanan o panaginip lamang
Na biglang sumilay sa aking mga matang ginintuan.
...

Tila sa balintataw na lamang mapagmamasdan
Mga sandaling nanggaling mula sa nakaraan
Mga paghalakhak, munting paghikbi't mga takbuhan
Para bang nangyari, kahapon lamang
...

Mumunting ako minsang nangarap
Subalit mayroong alinlangan na nalalanghap
Diwa ay gising na ganap
Ano nga ba ang nais na mahagilap?
...

Du får låna mitt hjärta
När du vill
Så länge du lämnar tillbaka
Så jag blir igen hela
...

6.

Tara ng umindayog
Sa saliw ng tugtog
Marahan nating isabog
Mga paggalaw na me pagdabog
...

Minsann dumating isang delubyo
Ako ay nagapo
Halos mawala sa sarili ko
Nainip at di mapagtanto
...

Mula pagkabata ako ay nangako
Sa aking sarili na ako'y di hihinto
Sa pag-abot ng aking ginto
Di hahayaang ito ay mapako
...

Isang bilyonaryo ay humiling sa araw ng kanyang kamatayan
Lagyan ng dalawang butas ang kanyang sisidlan
Upang mailawit kanyang mga kamay
Kahit sa kanyang paghimlay
...

Kayo ang dahilan
Ng aming pagsilang
Pagod at hirap inyong inilaan
Para kami ay malinawanagan
...

Ng ako ay mapadaan
Sa kalye na tila walang hangganan
Ikaw ay nandyan ng di ko namalayan
Ngiti ang iyong isinalubong ng biglaan
...

Kung ano mang nangyari sa mga nakaraan
Pasasaan ba
Ikaw ay nawa
Ay makakuha ng pag-asa sa kaliwanagan
...

Hoppas det tar aldrig
Slut mina dagar
När jag var liten
I min mammas famn
...

Sa aking pagtulog, sa gabing madilim
Ako nawa ay mahimlay ng mataimtim
Araw na nagdaan
Pansamantalang limutin
...

Ang mga ibon, di magkandagugol
Nag-aawitan
Di mapakali, nagsasayawan
Sa pagsalubong ng pagsibol
...

Marami ang nagsisikap
Na maabot kanilang pangarap
Butil-butil na pawis ang tumatagaktak
Upang magkaroon, kapangyarihang malawak
...

Minsan marami tayong minimithi
Madalas pakiramdam natin tayo ay sawi
Binubuhos lahat ating oras
Upang hanapin, kaligayahang wagas.
...

Minsan bigla na lang dumadating
Isang tao sa buhay natin
Estranghero, di natin kakilala
Sa paglaon ituturing na pamilya
...

Lahat ay may karapatan
Sa bagong simula,
Bagong karanasan
Bagong matututunan
...

20.

Isang araw kami ay nagtagpo
Puso ko biglang lumukso
Akala ko langit ay mahuhulog
Sa mga pisngi ko
...

Grace Svensson Biography

Grace has a Bachelor Degree in Architecture in Technological University of the Philippines-Manila. She moved to Sweden in 2005 and stayed their for good with her family. She discovered her eye in painting last 2014. She had some art exhibitions in her hometown in Linköping, Malmö and Stockholm, Sweden. This coming September she will be having her another art exhibition with the two phenomenal artist in Galleri Bellman in Stockholm, Sweden. As of now, she is pursuing her architectural career. And she just discovered that she can write poems too.)

The Best Poem Of Grace Svensson

Dapithapon

Minsan ay nangyari yaong pagsibol
Sa pagbuka ng liwayway
Haring araw ay mistulang nangunguyakoy
Sa saliw ng musika ng pagsalubong

Pagdaan ng araw at maraming tagsibol
Iindayog isayaw mo ang iyong isipan
Gawin ang lahat ng kapakipakinabang
Iyong buhay ay pilak wari'y pagbunyian

Igalaw buong katawan na para sa kagalakan
Mag-isip na tila musika na me aliwan
Humalakhak kahit walang kapararakan
Sundin ang sariling kaligayahan

Isang araw darating yaong taglagas
Parang isang punong namamaalam
Dapithapon ay darating minsan lamang
Di ba't marahil masarap alalahanin ang nagdaan ng mayroong ngiti sa kalangitan.

Copyright © Grace Svensson
January 22,2018

Grace Svensson Comments

Grace Svensson Quotes

Huwag mong problemahin ang problema, Hayaan mo na ang problema, problemahin ka. Copyright © Grace Svensson February 11,2018

Everything happens at the right time, right moment, When will it be? It is beyond our knowledge. Copyright © Grace Svensson February 1,2018

Ang buhay ay parang tula, Minsan magkatunog Minsan hindi. Copyright © Grace Svensson December 14,2018

Sun is shining, Then I start dreaming. Copyright © Grace Svensson December 14,2018

Man ska aldrig gå tillbaks, Man ska bara gå framåt. Copyright © Grace Svensson December 14,2018

Sa pag-ibig lamang Iyo ay makakamtan Kaligayahan. Copyright © Grace Svensson December 14,2018

Grace Svensson Popularity

Grace Svensson Popularity

Close
Error Success