Ang Totoong Ikaw Poem by Phoenix1 Smith

Ang Totoong Ikaw

Isang magandang dilag ang iyong nasilayan
agad mo inawitan matamis na kundiman
kay lamig ng himig iyong pinadinig
biglang syang sayo'y napatingin

ligaya na walang katulad ang iyong nadama
kaya't tuluyan mong tinuran sa kanyang
kandungan lahat mong kagalingan
isa-isa nilahad iyong katangian

'ako si malakas malawak na dagat kaya languyin
mataas na bundok isang sandali lang akyatin
mahiwagang hangin sa sipol ay pipigilin
matinding buhawi'y kayang hulihin..'

turing sa dalaga, 'ako'y isang kakaibang makata'
sandaan libong tula man 'sulatin aking kaya'
bulaklak sa lahat ng gubat sayo'y ihahain
ang dalaga ngumiti na iyong mithiin

nang sa isang sulok ng hardin ako ay iyong napansin
lahat iyong tinuring sa kanya'y nasabi rin sakin
mata mo'y sa akin ay dagliang napatingin
sa iyong muni-muni ay naalala mo rin

sa sarili mo nasabi 'babaeng ito sa hardin ang tunay na
nagmamahal at ang totoong nakakakilala sa akin'
at naalala mo sa tubig ikaw ay matatakutin
sa mahiwagang hangin ay napupuwing..

mga bulaklak ay madali ka nang agad na hikain
mga panulat mo ng tula ay lahat ng namutla
sa dagat ay matinding takot sa pating
'sya ang tunay nakakakilala sakin'

nasambit ko sa iyo ay ito: ' wag ka mag alala aking sinta,
di mo man ibigay sakin bulalakaw na matulin
malawak na dagat ay hindi natin tatawirin
sapat na laging ikaw nasa aking piling

agad mong sinambit sakin: 'nalimutan ko na sya giliw'
isang masamang panaginip ako na ay nagising..
ikaw'y nabigla sa aking katanungang tinuring:
'sakali makilala nya totoong ikaw, giliw,

kaya ka pa ba nyang mahalin katulad ng pag ibig
ko sayo... sa gulo mo, ako'y halos nabaliw? '

Saturday, December 24, 2016
Topic(s) of this poem: love
COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success