Napakagat ang labi ko, sa salitang nabasa
Bakit matindi ang tama sa aking puso, sinta,
Tila hinipo yaring naglalakbay na diwa
At nagdulot sa isip at puso ng pagkabalisa.
Binasa ko'ng muli ang mga kataga
Nagkamali ba ako ng pang-unawa?
Ah...may tila magnet sa bitaw ng talata
Sobra pa sa aki'ng inakala!
Napapikit ako pagtagal, ninamnam bawat kataga
Hanggang tumunog ang cellphone ko at narinig kita,
Tila lumukso ang puso ko, bakit nga ba?
Hmp, siguro iba talaga kapag kausap ka na!
Nakakainis...bakit di maiwasang mangunyapit
Sa karampot na pag-asa, na ika'y makamit,
Pilit ko'ng pinaglalabanan ang bagong pakiramdam
Ayoko'ng umasa sa malamlam na dulot ng agam-agam!
Bulong mo, paano na kapag totohanan
Lulukso kaya ako sa kama at saiyo'y magpapaduyan,
Hmmmmn...baka naman mamula ako at tuluyan nang matabunan
Nang piping gibik ng pagtanggap sa napakagandang pakiramdam!
Bulong ko, nais ko'ng pakinggan mo
Di ko man ito binibigkas ngunit alam ko'ng batid mo,
Sa bawat paghinga natin at pagtawa sa telepono
Ramdam nating pareho, ang bulong ng pagnanasang makamtan ito!
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem