Balik Tanaw Poem by Laila Gabanes

Balik Tanaw

Maraming panahon na sa atin ay nagdaan
At bigla kong naalala ang ating nakaraan
Naisip ko lahat at ako'y nanghinayang
Pinakawalan ko pala ay tunay na kaibigan

Nagsimula tayo sa isang sayawan,
Na nauwi sa matamis na pag-iibigan
Sa hirap at ginhawa, buo ang samahan
Lagi natin sinasambit ating pagmamahalan

Nguni't isang araw mundo natin ay nag-iba
Bigla tayong nagbago at nilisan kita
Nagulo ang isip ko at hindi na nagawa pa
Ang magsabi ng totoo sa aking sinisinta

Iniwan kita ng sobra ang pagluha
Nguni't ang lahat ng iyon, hindi alintana
Sapagka't ang nais ko ikaw ay lumigaya
Sa mas normal na buhay ikaw mas sasaya

Gusto kong malaman mo aking kaibigan
Humihingi ako sa iyo ng kapatawaran
Sa muling pagkikita sana ay masimulan
ng isang maganda at maayos na samahan

COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success