Bingi Ang Puso Ko Poem by Phoenix1 Smith

Bingi Ang Puso Ko

Bakit ba ayaw mo makinig
nagpupumilit ka puso ko
paulit sinasabi ng isipan
dapat na itigil mo na
nararamdaman na ito
sa kanya na iniibig mo..
tama na, sobra ka na
tila isa ka nang bingi
na hindi na nakaririnig
utos ng tamang katinuan
bakit hindi ka matahimik
sa kakatawag ng pansin
kahit alam mo ang totoo
na ayaw na nya sa iyo...
tahan na sana puso ko
sayang lang mga luha
di naman nya nakikita
ang mga hinagpis mo
hahayaan na lng kita muna
kawawang umiiyak na puso
hanggang ikaw ay matuto
tila hindi pa yata sapat
ang mga sakit nadama mo
upang ikaw ay matauhan na
damdamin maiba ang takbo..

Monday, June 5, 2017
Topic(s) of this poem: love
COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success