Bituin Ng Pangarap (Stars Of Dreams) Poem by MELVIN BANGGOLLAY

Bituin Ng Pangarap (Stars Of Dreams)

BITUIN NG PANGARAP (STARS OF DREAMS)
Melvin Banggollay

Bawat nilalang ay may itinataging pangarap
na ibig makamtan ang hatid nitong sarap
ngunit kung minsan di lahat ay nagaganap
Kaya halos tayo'y di titigal sa paghahanap.

Kung ang bawat bituin ay may kinauukulan
Gaya ng ibig ihatid ng mga ilang kasabihan
O kaya'y ang bawat bitui'y may kahulugan
Sa buhay ng bawat isa sa kinagagalawan.

Asan kaya ang butuin ng aking pangarap
Doon sa napalayong kalangitan at ulap
Pagkat sa dami nila'y di ko talaga mahagilap
nang mapagtanto ko kung ito'y magaganap.

Kung alin doon ay di na lang natin pag-ukulan
Basta magsikap na lang tayo na may kabuluhan
At pasasaan ba't marininig din at mapagbigyan
Ng Maykapal ang bawat hiling natin Kabayan.

COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
MELVIN BANGGOLLAY

MELVIN BANGGOLLAY

Natonin, Mountain Province, Philippines
Close
Error Success