Buhay Prinsesa Poem by by her

Buhay Prinsesa

Buhay prinsesa man ako,
Kapalaran ko'y di sigurado.
Gwardyado man ako ng kung sinu-sino,
Pag-ibig ko naman ay napaka-gulo.

Akala niyo puro pasarap?
Buhay ko nama'y minsa'y napakasaklap!
Hindi ito madali,
Kailangang kong sundin ang aking ama kung gusto ko man o hindi.

Kahit ako'y maraming pera,
At luho ko'y sobra-sobra,
Hindi naman ito ang tunay na kaligayahan,
Pagkat wala sa akin ang kalayaan.

Sawa na ako sa pagiging gwardyado,
At napaka bantay-sarado.
Kahit minsan man lang,
Maging normal din akong nilalang.

Maging masaya kasama ang hangin,
At makasama ang nagmamahal sa akin.
Sabik na ako sa iyo o giliw!
Pag-ibig ko sayo'y di magmamaliw.

Kailan ko kaya muling masisilayan?
Ang aking mga kaibigan?
Gusto ko talaga kayong makita,
At ipakita kayo sa buong madla.

Oh Diyos ko!
Bakit naman ganito?
Kung ako ma'y nagkasala,
Ako'y nagbago na.

Kailan ko kaya muling makakamtan?
Ang saya ng buhay magpasawalang-hanggan?
Ipakita niyo naman sa akin ang ilaw,
At buhay ko'y bigayang linaw.

COMMENTS OF THE POEM
emmanuelle sanders 12 September 2008

wow. *noseblood*. wow.

0 0 Reply
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success