Ligaya ang siyang naramdaman
Malaman na iyong nagustuhan
Ang tula kong pinaghirapan
Na tanging sa iyo laan
Namangha ng una kang makita
Halos hindi makapagsalita
Tila umurong ang dila
Dahil sa angkin mong ganda
Nais kong malaman mo
Na malinis ang hangarin ko
Walang bola at pagbibiro
Lahat ng ito ay totoo
Para akong natutunaw
Sa tuwing ikaw ay lumilitaw
Walang ibang nais na matanaw
Kundi ang nag-iisang ikaw!
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem