Patawad sa aking mga nagawa
O sa mga nabitiwan kong salita
Ang mga iyon ay hindi ko sinsadya
Dahil wala akong hinahangad na masama
Nais ko lang na ikaw ay mapasaya
Ngunit ako pala ay lumalabis na
At hindi nakikita at nahahalata
Ang mga mali kong pasya
Kaya ngayon ako’y nahihirapan
Kung papaano pa maaagapan
Ang magagandang pinagsamahan
Na naghahatid sa puso ng kasiyahan
Sana’y mabigyan pa ng isang pagkakataon
Upang maitama masamang gawaing iyon
Na hindi mapapawi ng panahon
At sa isipan ay nakabaon
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem