Sa Panginoon ako’y humihiling
Ng isang makakasama sa aking piling
Kahit simple lang na maituturing
Basta kabutihan sa puso’y manggagaling
Hindi kailangan na siya’y perpekto
Isang mayaman o mataas na tao
O may katalinuhang angat sa ordinaryo
Mas nanaisin ko na siya’y totoo
Mas maganda kung siya ay simple
Hindi mayabang o sadyang maarte
Pino sa kilos na talagang mayumi
Mga katangiang kabighabighani
Maaaring iilan lang ang tulad niya
Na dito sa mundo ay makikita
Kaya ang tangi kong magagawa
Ay maghintay ng ang landas namin ay magbangga
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem